Kumakalat ngayon sa social media ang issue tungkol sa relasyon ng It’s Showtime hosts na sina Jackie Gonzaga at Ion Perez. Ayon kasi sa mga tsismis, pinagbubuntis diumano ng dalaga ang kanilang anak ni Ion.
Wala raw kalam-alam si Jackie sa balitang ito hanggang sa putaktehin ng netizens ang comment section ng kaniyang TikTok livestream. Nais nilang malaman kung totoong buntis siya. Ang nakakaloka pa, ang itinuturong tatay ng ipinagdadalang-tao ni Jackie ay ang kasamahan niya sa ‘It’s Showtime’ at asawa ni Vice Ganda na si Ion Perez.
"Si Kuya Ion? Ano'ng truth?! Kung ano-ano pinag-iisyu n'yo. Kadiri mga issue n'yo. Kadiri mga tao [na] naniniwala sa fake news!' ‘Yan na lamang ang kaniyang nasabi kasunod ang mariin niyang pagtanggi sa issue na ito.
Pinagtanggol naman ng kanilang mga fan ang tatlong TV personality at nakiusap na ‘wag na raw magpakalat pa ng mga kasinungalingan.
Wala pang inilalabas ng statement ang kampo nina Vice at Ion ukol sa issue.