Copyright © 2025 Yes FM
BINI, sinagot na ang pagkaka-link ng "Salamin, Salamin" sa 'witchcraft!'
BINI, sinagot na ang pagkaka-link ng "Salamin, Salamin" sa 'witchcraft!'
BINI, sinagot na ang pagkaka-link ng "Salamin, Salamin" sa 'witchcraft!'
May 29, 2024

Hindi makapaniwala ang Nation's Girl Group na BINI nang malaman nilang may kumakalat na impormasyong may 'witchcraft' daw ang hit song nilang 'Salamin, Salamin!'

advertisement


Ayon sa interview ng BINI sa isang press conference nila sa e-commerce shopping platform, nilinaw ng grupo na wala raw katotohanan ang mga sabi-sabi ng mga tao na may tungkol sa "witchcraft" o "pangungulam" ang kanta.


Nagulat din ang Filipino girl group na may kumakalat na pa lang gan'tong balita sa iba't ibang social media platforms.
May ilan sa grupo ang nagbigay ng say tungkol dito:


"Natatawa na lang po kami na may nabubuo na gano'ng kuwento." - BINI Colet


"Hindi na rin natin ma-co-control din kasi 'yung ibang tao." - BINI Jhoanna


"Fake news po 'yun. Hindi po witchcraft 'yung 'Salamin, Salamin.' Maganda lang 'yung song." - BINI Maloi


Matatandaang nagsimula ang controversy na ‘to sa isang Facebook post ng ‘Follow Jesus Ministry,’ kung saan naglabas sila ng screenshot mula sa Viavi James' na libro tungkol sa ‘Mirror Magic,’ na tila’y connected daw sa kantang ‘Salamin, Salamin.’

Inulit ng grupo na tungkol sa paghahanap ng true love ang kanta, hindi tungkol sa pangungulam!
Kung hindi mo pa napapakinggan ang 'Salamin, Salamin' ng BINI, i-stream mo na rito:


Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila