Copyright © 2025 Yes FM
Eraserheads, handa nang mag-perform on stage sa US, Canada, Singapore, at Dubai ngayong taon!
Eraserheads, handa nang mag-perform on stage sa US, Canada, Singapore, at Dubai ngayong taon!
Eraserheads, handa nang mag-perform on stage sa US, Canada, Singapore, at Dubai ngayong taon!
June 21, 2024

Matapos nga ang success ng "Huling El Bimbo" concert ng Eraserheads last 2022, ready to rock the world na naman ang banda para sa isang world tour ngayong taon!

Sisimulan ng grupo ang kanilang pag-tu-tour sa United States at Canada ngayong July. Pagkatapos nito ay babalik sila sa Asia para sa concert na gaganapin sa Singapore ngayong November, at sa Dubai naman ngayong December. Grabe, pang-world class talaga 'tong bandang 'to! Nakaka-proud. 👏



Sabi nga sa grupo, "Hinding-hindi sila magsasawa mag-perform para sa fans kasi iba raw 'yung nakukuha nilang vibe at energy mula sa crowd..."

"'Yung tipong kahit luma na 'yung mga kanta, parang bago pa rin ito sa tuwing tinutugtog nang live."

Aww! Totoo naman! Mula noon hanggang ngayon, solid talaga ang banda niyo, Eraserheads! Magsisimula ang "Huling El Bimbo" world tour 2024 ngayong darating na July.

Kung gusto mong ma-update, 'eto ang dates ng kanilang performance:

July 6 - Hawaii Convention Center, Honolulu, Hawaii

advertisement

July 12 - The Warfield, San Francisco, California

July 13 - Peacock Theater, Los Angeles, California

July 19 - Pechanga Resort Casino, Temecula California
July 21 - Great Canadian Casino Resort, Toronto Canada
November 23 - The Arena @ Expo, Singapore

Iba talaga kapag hinahanap-hanap mo, 'no? Sarap balik-balikan at pakinggan nang paulit-ulit!

Tara't sabay-sabay mag-reminisce! HAHAHA! While waiting, pakinggan muna natin ang kanta ng Eraserheads on Spotify!


Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila