Gusto niyo ba 'yung kanta na title pa lang, parang nananampal na? Say no more, YesPren!
Dahil sa unang pagkakataon, pinagsama ng KAIA at ni Zack Tabudlo ang kanilang mga talento para sa kantang 'TANGA.' Ang solo singer ang writer at producer ng kantang ito.
“Hindi namin aakalain na gagawaan niya kami ng kanta! We love his songs and talagang fans kami. We’re very happy na nag-reach out siya sa amin,” chika ng grupo sa isang interview.
Habang ni-re-record umano ang kanta ay ramdam ng girl group na tila nakalabas na sila sa kanilang comfort zone. Marami raw silang natutuhan na bagong skills at technique sa tulong ni Zack.
Ang kantang ito ang unang release ng KAIA kasunod ang kanilang "dreamy bubblegum pop track" na 'Walang Biruan' noong September 27.