Namuti na lang ang mga mata natin kakaisip kung paano mapapaamo si Sexy Megan, si Joshua Garcia lang pala ang makakapagpatanggal ng angas niya.
Naku! Wala kaming pakialam kung gaano ka kaganda at ka-sexy. Bumalik ka roon sa dulo. Matagal na kaming nakapila. EME!
Watch on TikTok
Ang masungit na si Sexy Megan ay biglang naging mahinhin no’ng magpapa-picture kay ‘Higop King.’ Sa sobrang taranta, video pa ang napindot niya!
Kahit naman ata sino, mawawala sa sarili ’pag natabi sa ganyan kaguwapo. Hello?! Ginseng Strip 2002 dance cover pa lang niyan, nalaglag na ang lahat ng puwedeng malaglag sa’tin. ’Chos!
Pustahan, hindi na lalabhan ng YesPren natin ang suot niya no’ng araw na ’yan. Hahaha! ’Wag na kayong kumontra para magtagal ang good vibes niya!
Kung magiging loveteam sina Sexy Megan at Joshua Garcia, ano kaya ang pangalan ng tandem nila?